Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga transport group humirit ng dagdag-pasahe

0 59

Hihirit umano ang dalawang transport group ng dagdag-singil sa pamasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa.

Ayon kay Pasang Masda president Obet Martin, mapipilitan na silang maghain ng petisyon para sa dagdag pasahe kapag nagkaroon ulit ng pagtaas sa presyo ng langis sa susunod na linggo.

Aniya, sa P46 kada litrong presyo ngayon ng diesel, dapat P14 na ang pamasahe sa jeep pero nagpasya silang huwag magtaas ng singil dahil nauunawaan nilang naghihirap ang lahat dahil sa pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Pero kailangang maunawaan kami ng ating mananakay, `di na namin makakaya,” pahayag ni Martin sa isang panayam.

Hiling naman ng lider ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas at Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines, na magkaroon ng dayalogo sa pamahalaan upang mapag-usapan kung paano matutulungan ang kanilang sektor. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.