Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga travel agency larga na sa GCQ

0 254

Kasama na ang mga travel agency sa mga negosyo na puwedeng magbukas sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, bagama’t makakapag-operate na ang mga travel agency, kailangang skeletal workforce pa rin ang ipatupad at lilimitahan ang mga transaksyon tulad sa pagproseso ng mga refund.

“Naaprubahan din po ang request ng travel agencies na magbukas dahil andami na pong humihingi ng refund pero skeletal workforce lang po,” saad ni Roque.

Samantala, ilang leisure activity pa rin ang pagbabawalan na mag-operate tulad ng mga amusement park, gym, at fitness center. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.