Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga tren, PUV balik biyahe na

0 153

Nakahanda na umano ang railway sector at operator ng iba’t ibang public utility vehicle (PUV) sa Metro Manila at kalapit na mga lugar para sa pagbabalik ng kanilang biyahe ngayong araw dahil nas general community quarantine (GCQ) muli ang status dito.

Ayon sa pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1), 24 train set ang babiyahe sa mga peak hour tuwing weekday habang sa 18 tren tuwing mga off-peak hour. Ang LRT Line 2 naman ay magde-deploy ng 5 train set kada araw. Para sa Philippine National Railways, 10 tren ang kanilang ilalabas.

Nabatid naman na 4,498 unit ng PUV sa 60 ruta ang pinayagan na makabalik sa operasyon. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.