Abante Tonite Interactive

Mga tricycle sa Muntinlupa larga na uli

0 292

Magbabalik operasyon na ang mga tricycle sa Muntinlupa City simula sa Lunes, May 25, kasunod ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Alinsunod sa Executive Order no. 15 na nilagdaan ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sinabi na ipatutupad ang odd at even scheme sa mga tricycle operator and driver association (TODA) sa ilalim ng Muntinlupa Traffic Management Bureau at Tricycle Regulatory Unit.

Tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes, maaaring bumiyahe ang mga tricycle na nagtatapos ang plaka sa numerong 1, 3, 5, 7, at 9. Habang ang mga tricycle naman na nagtatapos sa 2, 4, 6, 8 at 0 ang plaka ay maaaring bumiyahe tuwing Martes, Huwebes, at Sabado.

Simula alas-singko ng madaling-araw hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ang biyahe.

Ayon pa sa kautusan, isang pasahero lang ang maaaring sumakay sa bawat tricycle, nasa P25 umano ang bayad dahil maituturing itong special trip. Kailangan ding magsuot ng driver ng face mask at mag-disinfect sa tricycle nang dalawang beses sa isang araw.

Upang matiyak na masusunod ang mga kautusan, magsasagawa ang awtoridad ng inspeksyon sa mga babiyaheng tricycle. Naghahanda umano ang kaparusahan sa mga lalabag dito.

Tonite – Wendys Inhouse Ad