Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga troll, influencer pagbayarin ng buwis

0 171

Patuloy na lumalago at lumalawak industriya ng troll armies at influencers sa Pilipinas lalo na ngayon ay nalalapit ang 2022 national elections.

Sa ngayon ay patuloy na naghihikahos ang gobyerno sa kakapusan ng pondo para ipantustos sa mga gastusin sa COVID response sa bansa.

Panahon na para silipin ng gobyerno ang pagpapataw ng buwis sa mga troll armies at influencers na napaulat na limpak -limpak ang kinikita ng mga ito.

Inaasahan na mas lalo pang lalakas at lalawak ang operasyon ng mga troll armies at influencers dahil limitado ang galaw ng mga politiko sa kampanya sa eleksiyon kaugnay ng pandemya.

Kaya naman mas marami sa mga politiko ang kukuha ng serbisyo ng mga troll armies at influencers na limpak limpak ang kikitain.

Dapat ay bantayan din ng Commission on Elections (COMELEC) ang galaw ng mga politiko na mayroong troll army upang siraan ang mga kalaban sa politika.

SM food to go Banner Ad

Silipin din ang mga gastos ng mga politiko sa mga troll armies at influencers na siyang ginagamit upang makumbinsi ang mga botante at magwagi sa eleksiyon.

Sa mga troll armies at influencers ay dapat din bantayan ang kilos at I-regulate ang mga ito lalo na kung ang operasyon ay magpakalat ng mga fake news at paninira sa mga kalaban sa politika ng kanilang kliyente.

Panahon na rin upang magkaroon ng accountability o pananagutan ang mga troll armies at influencers na kapag napatunayang nagpakalat ng fake news at paninira sa imahe ng isang personalidad ay dapat lang maparusahan o managot sa batas.

Tulad sa mga tradisyunal na media, radyo, telebisyon at diyaryo, dapat ay may pananagutan ang mga influencers or mga naglalabas ng balita o impormasyon gamit ang social media.

Sa mga taga radyo, telebisyon at dyaryo ay maingat sa paglabas ng mga impormasyon sa publiko at kung magkamali man ay agad na itinutuwid na siyang dapat mangyari rin sa mga troll at influencer.

Leave A Reply

Your email address will not be published.