Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga tsuper, konduktor gawing regular worker – Lacson

0 189

Binigyang-diin ni Partido Reporma presidential candidate Senador Panfilo `Ping’ Lacson na magandang hakbang na gawing regular sa trabaho ang mga tsuper at konduktor upang mapabuti ang kita na magbibigay ng magandang oportunidad sa kanilang pamilya.

“Kasi `pag na-regularize, madaling ma-identify. Kasi again pagka-contractual, `di ba, nauso noong araw 10 ang lisensya ng driver? `Pag nahuli o kaya naaksidente tinatapon na lang `yong ano at mayroon na naman siyang [ibang] lisensya na gagamitin,” sabi ni lacson.

Kung magiging regular aniya ang mga driver at konduktor ay tataas ang kanilang dignidad.

“Kasi diyan ma-pro-professionalize mga driver [at] konduktor tapos medyo maganda `yong tingin nila, `yong dignidad nila aangat e, kasi regular employees na sila. Hindi na sila `yong parang, alam mo `yon, boundary system,” ani Lacson.

Kapag naayos ang sistema sa pampublikong transportasyon, ayon kay Lacson, mas magkakaroon pa ng disiplina at madaling maparurusahan ang mga nakagawa ng paglabag sa batas trapiko man o iba pang maaaring maging reklamo ng mga pasahero.

“Pero kailangan lang talaga nasa wastong pag-aaral at saka [alamin] kung ilan `yong maaapektuhan [at] ilan `yong makikinabang,” saad pa ni Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.