Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga tsuper na namamalimos, nagkalat

0 190

Sa halip na manibela, karton ang hawak ngayon ng mga jeepney driver na namamalimos at nagkalat sa mga pangunahing kalsada sa Caloocan City.

Ang iba namang tsuper ay nakasabit ang mga karton na may nakasulat na “palimos po sa may mabubuting kalooban” hawak ang maliit na kahon na pinaglalagayan ng pera mula sa limos ng nagdaraang mga motorist.

Nakapuwesto ang may 20 jeepney driver sa Monumento Circle at sa kahabaan ng Samson Road, Caloocan City, pero pinaiiral pa rin nila ang social distancing at may mga sout din silang face mask.

Wala din daw silang nakuhang ayuda.

Nanawagan din sila sa gobyerno na payagan na silang makabiyahe sa Miyerkules, saan matatapos na ang Modified Enhanced Community Quarantine. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.