Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga tsuper na tigil-pasada lumobo

0 93

Dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ay isa sa bawat limang tsuper ng jeep sa Metro Manila ang tumigil na sa pamamasada, ayon sa grupong PISTON.

Ayon kay PISTON national president Mody Florada, ito ay dahil kahit 18 oras na bumiyahe ang mga tsuper, mula P200 hanggang P300 na lang ang natitira sa kanilang kita dahil sa mahal na diesel.

“Ang tantiya natin ay more or less nasa 20 percent na ‘yung huminto,” wika ni Floranda.

Aniya, ang mga tsuper na tumigil na sa pamamasada ay naghanap na ng ibang pagkakakitaan.

“Ngayon ay talagang ‘yung tulungan ng pamilya, ‘yung asawa ay naghahanap ng ibang kabuhayan, nakikilabada or ‘yung iba naman ay nagluluto ng barbecue, mga ulam itininda sa mga kapitbahay para matulungan lamang ‘yung kanyang asawa na drayber. Talagang hindi sasapat kasi ‘yung kinikita ng mga drayber sa ngayon,” wika ni Floranda.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa mahal na diesel, nagmahal na rin umano ang halaga ng mga piyesa at maintenance ng jeep.

“Dahil doon din sa ano din ng mga operator, dahil mataas din ang piyesa, ‘yung maintenance ng kanilang mga jeep o ‘yung kanilang mga UV, kaya’t hindi man nila gustuhin e talagang hindi nila pinagbibiyahe muna ‘yung kanilang mga jeep dahil pagdating naman ng gabi rin e wala rin talagang mai-boundary ‘yung dryaber,” ani Floranda.

“Kaya ang nagiging tendensiya, ‘yung mga bumibiyahe sa ngayon ay nagiging hati na lamang ‘yung drayber at operator kung magkano ‘yung labas doon sa krudo na natitira,” dagdag pa niya.

Inaprubahan ng gobyerno ang P1 na dagdag-pasahe sa jeep ngunit giit ng PISTON, hindi ito masyadong maramdaman. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.