Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga tuturukan vs virus huwag igaya sa SAP

0 44

Nanawagan kahapon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng local government unit (LGU) na linisin na ang kanilang listahan ng mga tuturukan ng bakuna kontra COVID-19.

“Diyan tayo sa listahan, sa tingin ko, makikiusap sa LGU na kailangan malinis `yong listahan. Well, of course, may mga sinasabi na baka mamaya magulo `yong listahan parang `yong nangyari sa SAP [Social Amelioration Program] na ang gulo-gulo ng listahan,” ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

Aniya, ang proseso sa paglilista ng mga tuturukan ng bakuna kontra COVID-19 ay hindi katulad sa listahan ng mga binigyan ng SAP.

Nilinaw ni Malaya na ang gagawing listahan para sa mga magiging prayoridad sa bakuna ay kinakailangan ng pre-registration at screening para masigurong mga qualified at nasa priority list nga ang mababakunahan. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.