Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga university, college bibili ng COVID bakuna – CHED

0 297

Plano ng mga unibersidad at mga kolehiyo na bumili ng sariling bakuna kontra COVID-19 bilang paghahanda na maging ligtas ang mga estudyante at faculty member sa nalalapit na muling pagbubukas ng school year.

Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera, ang usapin ukol sa pagbili ng sariling bakuna ng mga unbersidad at kolehyo ay nasa tanggapan na ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at makikipagpulong na rin ngayong linggo ang komisyon sa mga health expert para talakayin ang pagbabakuna sa mga estudyante.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Paliwanag pa ni De Vera sa isang panayam sa telebisyon na marami sa mga unibersidad na ito ay konektado sa malalaking kompanya at maaaring isabay na sa mga ito ang pagbili ng sarili nilang bakuna.

Subalit pinapaubaya na umano ng CHED sa mga unibersidad at kolehiyo ang pakikipag-usap sa gobyerno para sa pagbili ng bakuna. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.