Abante Tonite Interactive

Mga uuwing Pinoy sa ME bibigyan ng trabaho

368

Kinalampag ni ACT-CIS Cong. Eric Yap ang gobyerno na bigyan ng trabaho ang mga pauuwing mga Overseas Fi­lipino Workers (OFW’s) na galing sa bansang Iran at Iraq bunsod na rin ng naka-ambang ‘total deployment ban’.

Ayon kay Cong. Yap, dapat ngayon pa ­lamang ay naghahanap na ng trabaho ang Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Worker ­Welfare Adminsitration (OWWA) at POEA para sa mga mare-repatrait na mga OFW.

Sang-ayon si Cong. Yap na dapat unahin ang kaligtasan ng mga OFW sa mga naggigi­riang bansa pero dapat ding isaalang-­alang ang kinabukasan ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng ­alternatibong hanapbuhay.

“Alam naman ­natin na kapag ang ­pamilya ang magugutom ay hahamakin ang ­lahat maitawid lang ang kanilang pangangaila­ngan” anang mambabatas.

Inihalimbawa pa ni Cong. Yap ang nangyari sa Libya noong magkaroon ding may kaguluan doon ay hindi lahat ng OFW ay nakumbinsing ­umuwi sa bansa, gayundin noong magbigay ng amnesty ang Kuwait ay hindi rin nag-avail ang lahat ng OFW ­dahil walang ­trabaho ang naghihintay sa kanila sa Pilipinas.

Batid ni Cong. Yap na ginagawa na ng paraan ni DOLE Sec. Silvetre Bello ang ‘unemployment vacuum” sakaling matuloy na bumalik sa bansa ang libo-libong OFW na galing sa Iran, Iraq at Kuwait .