Abante Tonite Interactive

Mga vendor may pakiusap kay Mayor Isko

0 202

Dumulog sa inyong lingkod ang grupo ng mga vendor sa kahabaan ng Recto sa Maynila upang ipaabot kay Mayor Isko ang kanilang kahilingan.

Ayon sa grupo ng mga vendor na may halos 5,000 miyembro, lehitimo silang mga nagtitinda sa mga kalye sa Maynila particular sa bahagi ng Recto na naapek­tuhan ng paglilinis ng gobyerno sa mga kalsada para solusyunan ang matinding problema sa trapiko.

Nauunawaan naman nila ang pagnanais ni Mayor Isko Moreno na maaksyunan ang problema sa trapiko pero may pakiusap ang grupo na sana ay isaalang-alang naman daw sana ang kanilang kalagayan na tinamaan ng paglilinis lalo na’t walang alternatibong pagtitindahan na ­ibinigay sa kanila ang city hall.

Kaya naman nakikiusap ang grupo na kung maari ay matulungan silang maipagpatuloy ang kanilang paghaha­napbuhay katulad ng pagbibigay sa kanila ng mapagtitindahan para naman mabuhay nila at matugunan ang pang-araw-araw nilang pangangaila­ngan sa pamilya ­gayundin ang pagpapa-aral sa mga ito.

Isa sa suhestyon ng grupo ay ang ­pagkakaroon ng ‘night ­market’ sa lungsod kung saan ay maari nilang ipagpatuloy ang kanilang ­pagtitinda.
Nakahanda umano silang tumugon sa regulasyon ng city government para ­hindi sila maging sakit ng ulo dahil katulad ng hangarin ni Mayor Isko na ma­ging pinakamaayos na lungsod ang Maynila hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ay siya ring hangad nilang mga vendor.

Iyan po ang pakiusap ng mga vendor nating kababayan at hangad kong magkaharap ang dalawang kampo upang malatagan ng solusyon ang kanilang kinakaharap na problema.