Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga volunteer sa bakuna trial babayaran

0 228

Bibigyan ng kaukulang kompensasyon ang mga volunteer sa clinical trial para sa bakuna kontra tra COVID-19, ayon sa Department of Science and Technology (DOST).

Subalit agad namang nilinaw ni DOST-Philippine Council for Health Research and Development Executive Director Jaime Montoya na maliit na halaga lamang ito bilang kabayaran para sa oras na ginugol ng mga volunteer sa clinical trial.

Ayon kay Montoya, hindi dapat maistorbo ang mga volunteer at ang perang ibibigay sa kanila ay para sa pagkain at transportasyon.

Hindi puwedeng magbigay aniya ng malaking halaga dahil baka mag-volunteer ang ibang tao para lamang sa pera.

SM food to go Banner Ad

Sinabi rin ni Montoya na dapat malusog at walang sakit ang mga lalahok sa clinical trial.

Tiniyak naman ni Lulu Bravo, executive director ng Philippine Foundation for Vaccination, na may mga side effect na mangyayari sa katawan ng mga lalahok sa clinical trial katulad ng lagnat at pamamaga. Subalit masusi aniyang imomonitor ang kondisyon ng mga ito.

Kapag may namatay aniya sa bakuna, iimbestigahan ito ng mga eksperto at espesyalista para malaman kung may kinalaman sa bakuna ang dahilan ng pagkamatay.

“There is a liability clause, it is like an insurance. There is an allotment from the company. The patient knows that since that is included in the informed consent,” ani Bravo. (Dolly B. Cabreza/PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.