Abante Tonite Interactive

Mga volunteer sa paggawa ng face mask, lab suit may apela

0 605

Nakakatuwang malaman simula ng ilathala natin noong isang Miyerkoles ang tungkol sa mga designers na gumawa ng ibat ibang design ng face mask ay nagbago ang kanilang plano.

Ayon sa kanila hindi na nila binenta ito ngunit ipinamigay na lang nila sa mga frontliners na nagsasakripisyo para sa kaligtasan ng mga mamayang Filipino.

Ngayon naman ay may mga nag-organize para sa mga gagawa ng face mask at lab suit para sa mga nurse at doktor. May mga designs na sila para sa lab suit para sa proteksyon ng mga nurses, doktor at iba pang frontliners na nangangalaga ng mga may Covid19.

Ang Lab Suit na ito ay may disenyo na para hindi sila mahawa ng virus. Ang organizer ay ang Manila Protective Gear Sewing Club Volunteers na pinangungunahan ng isang Filipino Fashion Designer na based sa London na si Mich Dulce.

Hinihikayat nya ang mga supplier ng tela, Fashion designer at mga mananahi na magbigay tulong sa mga panahon na ito sa pamamagitan ng kanilang oras, talento at pinansyal na kontribusyon, higit sa lahat ang supply ng tela.
Marami na pong mga designers at mananahi ang nag-volunteer para magbigay ng libreng serbisyo ngunit nangangailangan pa rin ng supply ng tela.

Ayon sa isa sa mga Volunteer na fashion designer na si Juan Paolo “JP” Francisco ay may kakulangan pa rin daw sa supply ng tela. Kaya panawagan nya sa mga supplier ng tela na mag donate na ng mga tela na kailangan sa paggawa ng Lab Suit at Face Mask.

Ang Organizer ang magbibigay ng design at patterns para sa face mask at Lab suit.

Para lalong maunawaan ang mga bagay ukol dito ay maari silang mag message sa FB PAGE MANILA PROTECTIVE GEAR SEWING CLUB VOLUNTEERS.

Sa mga nais pang mag volunteer at mag about ng tulong ay maari nilang kontakin si Ms. Cynthia Diaz, 09178662496.

Ito ay magandang pagkakataon na matulungan at suportahan natin ang mga tunay na bayani sa panahon na ito ang mga frontliners.