Abante Tonite Interactive

Mga walang pasok ngayon

1,175

Bukod sa Quezon City na nauna nang nag-anunsiyo na wa­lang klase sa lahat ng antas sa mga paaralan sa nasabing lungsod dahil sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagdeklara na rin kahapon na walang pasok ang iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga lalawigan sanhi ng patuloy na pag-uulan na sanhi ng habagat.

Kabilang sa mga nagdeklara na walang pasok ngayong Martes ang mga sumusunod:
METRO MANILA
Caloocan City, Manila, Las Piñas City, Malabon, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pateros, Taguig, Valenzuela City.

MGA PROBINSYA
Bataan; Bocaue, Calumpit, Malolos at Marilao sa Bulacan; Cavite; Laguna; Nueva Ecija; Angeles City at Masantol sa Pampanga; Panga­sinan; Cainta­, Morong at Rodriguez sa Rizal; Tiaong, Quezon; Castillejos, Olongap­o City, San Antonio, San Marcelino, Santa Cruz at Subic sa Zambales.