Abante Tonite Interactive

Mga weightlifter hiling ang silya sa Tokyo

236

Hiniling ng mga dismayadong weightlifter sa International Olympic Committee (IOC) na bigyang garantiya ang kanilang mga silya sa pagsasagawa sa susunod na taong Tokyo Olympics.

Ito ang sinabi ni Phil Andrews, chief executive ng USA Weightlifting (USAW), sa IOC habang hiniling na dapat nito tulungan ang mga nadismaya ng pagdeklara nito ng postponement sa Tokyo 2020 dahil na rin sa posibleng pagkawala ng kanilang pinaghirapang puntos at puwesto sa mga natapos na mga qualifying event.

“The IOC must decide now, end any uncertainty over the qualification process as soon as is reasonably possible,” sabi ni Andrews.

Ang pambato ng Pilipinas na si 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz na kasalukuyang nasa ikaapat na puwesto sa ranking sa buong mundo at kailangan na lamang ng isang sanctioned qualifying tournament para makapagkuwalipika sa ikaapat nitong Olympics, posible itong mawala dahil sa pagkakausog ng torneo.

Kaya hiniling sa IOC na aprubahan ang pagbabago sa qualifying system nakaraang linggo matapos na umayon ang International Weightlifting Federation (IWF) Executive Board sa mga amendment.

Aminado si Andrews na apektado siya sa posibleng “conflict of interest” sa panawagan nito sa IOC para sundin ang kasalukuyang rankings dahil walong Amerikano ang nasa posisyon para sa Olympics.

Maliban dito, ang China ang nakatuon din na makapagkuwalipika ng maximum team of eight sa sports.

Asam naman ng Pilipinas na makapagkuwalipika din ng walong weightlifters upang umasam na tuluyang maputol ang matagal na pagkahaw ng bansa sa pinakamimithing unang gintong medalya sa Olimpiada. (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad