Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga WFH kawani delikado sa cyberattack

0 91

Hacking o cyberattack at pagnanakaw ng datos ang pinakamatitinding banta na hinaharap ng mga director at opisyal ng mga kompanya simula nang magbago ang takbo ng mga kompanya dulot ng COVID-19 pandemic at lumaganap ang mga work from home (WFH) arrangement.

Ayon sa survey ng global advisory firm Willis Towers Watson, at ng Clyde & Co., isang global law firm, 56% sa mga director at opisyal na sinurvey ang nagsabing napakalaki ng risk ng cyberattacks. Nasa 49% ang nababahala sa data loss, at 46% naman ang alala sa regulatory risk o pamamastol ng mga pamahalaan.

Ang health and safety risk ay mas mababa ang ranggo na 41% lamang ang nabahala kahit na may pandemya pa rin habang 38% ang nag-aalala sa employment claims o mga bayarin sa mga sinibak na tauhan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni Joaquin Uy ng Willis Towers Watson Philippines, dahil malaki ang pagkakaiba ng seguridad ng internet connection ng isang kompanya at ng computer sa isang bahay, may pagkakataon ang mga masasamang-loob na gamitin ang kahinaang ito.

“This will provide opportunities for cyber criminals to launch bigger targets with bigger incidences and ransomware attacks.” (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.