Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga white lady sa ibabaw ng nitso

0 348

Mga ka-Misteryo nakakita na ba kayo ng white lady? Ano ang gagawin niyo kung makakita kayo hindi lang isa kundi tatlong white lady sa ibabaw ng nitso?

Yan ang paksa natin ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Malapit lang sa sementeryo ang eskuwelahan na pinapasukan ni Alexa sa Makati kaya’t nangingilabot siya sa tuwing dumadaan dito pag-uwi sa dapit-hapon.

Naikuwento sa Misteryo ang karanasan ni Alexa nang makakita siya at iba pa niyang kaklaseng babae ang tatlong white lady sa ibabaw ng nitso.

Misteryo: “Paano niyo nakita ang tatlong white lady? At Ano ang ginagawa nila sa ibabaw ng nitso?”

Alexa: “Bigla kasi kaming sumilip sa bintana ng eskuwelahan namin at natakot kami sa nakita naming tatlong white lady. Nagsasayaw sila sa ibabaw ng nitso.”

Misteryo: “Aba kakaiba ata ang mga white lady na yan nagsasayaw imbes na manakot.”

Alexa: “Yun nga po ang tanong namin sa sarili namin bakit sila nagsasayaw?”

Related Posts

Misteryo: “Paano sila magsayaw? Ano ang hitsura nila habang nagsasayaw?”

Alexa: “Paikot sila kung magsayaw at nakalutang sila. Hindi namin maaninag mukha nila para silang nalilipad ng hangin pero hindi sila umaalis sa ibabaw ng nitso•

Misteryo: “Matagal niyo ba silang nakita? Hindi ba nila kayo nakita o kaya naramdaman na nanonood kayo sa ginagawa nila?”

Alexa: “Siguro po naka-1 minuto yun medyo matagal kaso noong una akala namin totoong mga tao ang nagsasayaw pero katagalan bigla na silang naglaho parang bula.”

Misteryo: “Eh di nagtakbuhan kayo nang bigla silang mawala sa paningin niyo?”

Alexa: “Tama nagtakbuhan na po kami at umuwi na sa bahay namin. Hindi kami makatulog ng gabing yun takot na takot po kami.”

Kayo Ano ang gagawin niyo kung makakita kayo ng white lady? Matatakot ba kayo?

Para sa inyong kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph

Leave A Reply

Your email address will not be published.