Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga work-from-home pinauuna rin sa bakuna

0 211

Nais ng mga alkalde sa Metro Manila na isama sa A4 priority list ng mga babakunahan ang mga empleyadong nasa work-from-home ngayong pandemya.

Inihayag ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez nitong Lunes na nakikiusap siya, kasama ang iba pang alkalde na isama sa A4 ang mga naka-work-from-home dahil may mga pagkakataong lumalabas din sila ng tahanan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“`Yon po `yong pinag-uusapan namin dito lalong-lalo na ang ating mga call centers kasi work [from] home sila, na sana i-consider din ng IATF na isama po natin `yong ating work [from] home,” pahayag ni Olivarez, na siyang chairman ng Metro Manila Council.

Sa Hunyo lalarga ang pagbabakuna ng mga nasa A4 list at uunahin ang mga nasa Metro Manila at ilang probinsya na mataas ang populasyon.(Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.