Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Mga Zambo exec yari sa nasunog na COVID vaccine

0 200

Tiniyak ng Depart­ment of Interior and Lo­cal Government (DILG) na may mananagot kapag napatunayang may nagpabayang mga opisyal sa 148,000 CO­VID-19 vaccine na na­sunog kamakailan sa Zamboanga del Sur.

Ito ang inihayag ni DILG Secretary Eduardo Año kay Pangu­long Rodrigo Duterte matapos hindi mapaki­nabangan ang mga ba­kuna dahil sa sunog sa regional office ng De­partment of Health.

Kung agad aniyang ginamit ang mga baku­na ay hindi sana nasu­nog ito kaya kasama sa sisilipin ang mabagal na rollout ng vaccine.

“Titingnan po na­tin kung ano ang mga pagkukulang at nasayang ang more or less about 148,000 na vac­cine. Titingnan din na­tin kung bakit mabagal ang pagpapatupad ng bakuna para makapag­bigay tayo ng kauku­lang sanctions sa mga posibleng nagkaroon ng pagkukulang.

Sabi ni Año, dapat magsilbing wake-up call sa mga lokal na opisyal ang nangyaring insi­dente at bantayan nang husto ang mga bakuna upang maiturok agad sa mga mamamayan.

“Kinakailangan na magtalaga ang bawat LGUs ng safety officer na magbabantay 24/7 sa lahat ng mga cold chain facilities at warehouses,” dagdag niya. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.