Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MGCQ sa NCR di pa puwede – health expert

0 453

Naniniwala ang ilang grupo ng health experts na dapat maghinay-hinay ang pamahalaan sa pagbababa sa level ng quarantine sa National Capital Region (NCR ) sa posibilidad na maging dahilan ito ng mas malaking panganib sa kalusugan ng taumbayan.

Ayon kay Dr. Antonio Dans, convenor ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19, hindi sapat na dahilan ang pagbuhay sa ekonomiya para ibaba sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila.

Ang pahayag ay ginawa ni Dans matapos ang suhestiyon ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na ilagay na sa MGCQ ang Metro Manila sa katapusan ng Setyembre 30 para mabuksan ang ilan pang mga negosyo at mapalakas na muli ang ekonomiya ng bansa.

Kaugnay nito, sinabi ng Concerned Doctors and Citizens of the Philippines (CDC-PH) na pinamumunuan ni dating Health Secretary Jaime Galvez-Tan na tanggalin na rin ang mga ‘quarantine’ sa bansa dahil sa tinatawag nilang ‘exaggeration’ sa takot sa COVID-19 at magpatupad na lamang ng mas epektibong healthcare system sa mga komunidad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.