Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MGCQ tayo `pag naka-2M bakuna!

0 106

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na ilagay sa modified general community quarantine (MGCQ) ang Metro Manila kapag umabot na sa dalawang milyong bakuna ang napasakamay ng gobyerno.

Inihayag ito ng Pangulo sa isang press conference matapos salubungin ang pagdating ng mga bakuna ng Sinovac sa Villamor Air Base sa Pasay City, Linggo ng hapon.

Donasyon ng gobyerno ng China sa Pilipinas ang nasa 600,000 bakuna. Dahil dito, sisimulan na rin ng pamahalaan ang vaccination program kontra COVID-19 ngayong Lunes. May mga inaasahan pang darating na ibang bakuna sa bansa.

“`Pag nag-umpisa na `yang rollout and the other vaccines that would come in and distributed to the provinces, siguro pagdating magkaroon na tayo ng stock na 2 million, bitawan ko na, I will open the economy,” sabi ng Pangulo.

SM food to go Banner Ad

Aminado ang Pangulo na bagsak talaga ang ekonomiya kung kaya’t kailangan na aniyang masimulan ang pagbabakuna.

“Talagang hirap tayo, you know people have to eat, people have to work, people have to pay and the only way to do it is to open the economy and for businesses to regrow. Without that, patay talaga. Mahihirapan tayo,” sabi pa ni Pangulong Duterte.

Sa naunang talumpati ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa ginanap na simpleng seremonya para salubungin ang pagdating ng mga bakunang bigay ng China ay sinabi nito na masisimulan na ngayong Lunes ang pagbabakuna.

Uunahin aniya itong gawin sa Philippine General Hospital at iba pang tinukoy na ospital.

Leave A Reply

Your email address will not be published.