Abante Tonite
Mabilis sa Balita

MGCQ tinukuran ng mga negosyante

0 31

Nagpahayag ng suporta ang isang grupo ng mga negosyante sa rekomendasyong ilagay na sa mas maluwag na quarantine ang buong bansa pagsapit ng Marso para mabilis na makabawi ang ekonomiya.

Base sa pahayag ng Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX) nitong Linggo, labis na ang pagdurusa ng mamamayan dahil sa kahirapan at gutom na epekto ng pandemya.

Sabi ng FINEX, naniniwala sila na ang pagsasailalim sa bansa sa modified enhanced community quarantine (MGCQ) ay kailangan lamang sabay ng patuloy na implementasyon ng mga health at safety protocol para mabalanse ang pangangailangan na ibangon ang ekonomiya at mapangalagaan ang kaligtasan ng mamamayan.

Kasabay nito, hiniling ng grupo sa pamahalaan na magpasa ng mga batas na mag-aamyenda sa Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act at Foreign Investment Act upang mahikayat pa ang mga investor. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.