Abante Tonite Interactive

Mia may hugot sa tattoo

440

May bagong alaga si Bert Manalo (manager ni Katherine Luna) na handang makipagsabayan sa mga sexy actress natin. Siya ay si Mia Abella.

Tubong-Cagayan de Oro, 21 yrs. old at may sukat na 35-24-36.
Paano niya isasalarawan ang kanyang kaseksihan? “Walang katulad! Hahaha!,” pakli niya.

Bida ngayon si Mia sa isang indie film. Ito’y pinamagatang “Mananayaw”.
Topless ang pasabog niya sa naturang pelikula na prodyus ni Sergio ‘Boy’ Pilapil. Nagpapasa­lamat din siya sa kanyang director na si Al Auacay ng All Star Productions sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Nag-enjoy raw siya sa pag-arte dahil marami siyang hugot sa life.
Sino ang showbiz crush niya?

“Coco Martin at Tony Labrusca,” aniya.

Bakit sila? “Tingin ko kay Coco kasi mabait at matulungin. Gusto kong makasama sa tele­serye niya,” tugon ng baguhang sexy actress.
E, si Tony?

“Hot eh..hahaha,” sambit pa niya.

Para ba sa kanya ay sexy ang magkaroon ng tattoo?
“Yes,” mabilis niyang sagot.

Bakit siya nagpa-tattoo?

“Heartbroken ako noon. Inisip ko kung saan ang mas masakit, tattoo or heartbreak? Hahaha! Pero mas masakit pa rin ‘yung hiwalayan. Hahaha! Ilang oras lang ang sakit sa tattoo e, samantalang sa love, matagal,” deklara niya. (Roldan Castro)