Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Miami Heat isinara ang pasilidad dahil sa virus

0 245

KINANDADO ng Miami Heat ang ginagamit nitong practice facility Biyernes matapos na magtala ng mga positive case ng nakakamatay na coronavirus cases o COVID-19.

Nagdesisyon ang pamunuan ng Heat na agad i-shutdown ang kanilang pasilidad matapos magpositibo ang ikalawa na manlalaro sa koponan kung saan naghahanda na sana ang koponan para sa inaabangan na muling pagbubukas ng liga sa Walt Disney World and Resort sa Orlando, Florida.

Hindi na makakapag-ensayo ang koponan at magsisimula na lamang muli na makapaghanda sa pagdating nito sa Orlando, Florida sa inaasam na restart ng liga sa Hulyo 30.

Una nang iniulat ng Herald na si Heat forward Derrick Jones Jr., ang unang player sa koponan na nagpostibo.

Ang ikalawang player ay hindi naman ipinakilala at kasalukuyan nang nasa quarantine. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.