Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Miami, Los Angeles patas lang – media

0 102

Patas ang picks at predictions ng sports media sa magiging bakbakan ng Los Angeles Lakers at Miami Heat, ayon nitong Lunes sa in.nba.com.

Para kay National Basketball Associatio, content producers Kyle Irving at Gilbert McGregor at senior editor Benyam Kidane, madadale ng Lakers ang korona sa Game 6, habang Game 7 ang prediksyon ni reporter/host Kane Pitman.

Kampi naman sa Heat sina league global website editorial director Alex Novick at maiuuwi nito ang titulo sa Game 6 habang aabot sa Game 7 ang hula ni content producer Yash Matange.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maghaharap ang Lakers at Heat para sa Game 1 NBA Finals best of seven series sa darating na Huwebes, alas-9:00 nang umaga (Manila time).

Umabante sa league Finals ang Lakers matapos ibaon sa Game 5 ang Denver Nuggets 117-107 at iuwi ang Western Conference title nitong Sabado.

Sa kabilang dako, nanaig itong Linggo ang Heat laban sa Boston Celtics sa Game 6 125-113, sinungkit ang Eastern Conference crown at maitakda ang duwel sa Lakers sa NBA Finals.

Pero winalis ng Lakers ang Heat sa regular season noong Nobyembre 8, 95-80 at Disyembre 13, 113-110. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.