Abante Tonite Interactive

Mica humahatak ang alindog

501

May kakaiba talagang karisma ang fiancé ni Jay R na si Mica Javier.

Hindi masasabing si Mica na ang pinakamagandang babae sa balat ng showbiz, pero may pang­hatak ang alindog nito na wala sa karamihang nagpapasilip ng hubad na katawan sa socmed.

‘Pag itinabi mo si Mica sa lumpon ng mga tisay beauties, namumukod-tangi ang kanyang kagandahan. Kapag tinamaan ng araw ang pagiging morena niya ay nagiging kulay ginto ito.

Abante Hiring – IT dep

Nagbi-blend ang brown skin ng “Los Bastardos” babe sa kahit na anong lugar at kulay ng damit.

Si Mica ang epitome ng awiting “Dalagang Pilipina Yeah.”

Isama na ang mahabang binti, kurba ng katawan, Pinay-looking face at ang ganda ng hubog ng kanyang dibdib.

Ang kagandahan ni Mica ay masasabing versatile. Puwede siyang maging bida, kontrabida. Bagay rin siya sa lahat ng karakter – mapa-inosente, mapa-sosyal, mapa-mahirap at mapa-mayaman.

Kung bibigyan lang ng atensyon ng Kapamilya network ang kabuuang ganda ni Mica, maaari siyang mabigyan ng mga sexy film na bubuhay sa era ng “Kamison” ng dekada 70’s at 80’s.

Si Mica ay mula sa angkan ng mga artist. Ang kanyang tiyuhin ay member ng “Apo Hiking Society.”

Hindi lang isang aktres si Mica. Isa rin siyang singer-composer-songwriter. (Rey Pumaloy)