Abante Tonite Interactive

Mica nagbabaga ang kaseksihan

954

Hindi lang sina Jake Cuenca, Joshua Colet, Albie Casiño, Marco Gumabao at Joseph Marco ang pinapanood sa ser­yeng “Los Bastardos” ng Kapamilya network, kundi maging ang mga bidang babae gaya nina Kylie Verzosa, Maxine Medina, Ritz Azul at Mica Javier.

Hindi tatayo ang programang ito kung walang sexy girls na kasama. Kahit magdrama ay umuusok pa rin ang kanilang mga kaseksihan.

Gaya ni Mica na baguhan pa lang sa acting pero ang lakas-lakas ng dating sa viewers.

Bukod kay Maxine na brown beauty, maangas rin ang ganda ni Mica na totoong may angking Gandang Pilipina.

Hindi lang sa action palaban ang fiancé na ito ng R&B Prince na si Jay R, kundi palaban din siya sa hubaran.

Ayaw niyang paawat sa pagpapakita ng kanyang sexy body sa mga netizen.

Mapang-akit ang mga posing ni Mica.

Hindi ang Kuwaresma ang makakapigil sa kanyang pagpapaseksi.

Habang nagbabaga ang init ng panahon ngayong summer, mas lalong sumasagitsit ang apoy ng kanyang alindog.

Kaya hindi na kataka-takang may ningning ang mga mata ni Jay R kapag kapiling niya si Mica. (Rey Pumaloy)