Abante Tonite Interactive

Michael muntik mamatay sa skating

By
0 684

Magaan kausap, masayang kakuwentuhan, matalino at mapagkumba ang Filipino Olympian figure skater na si Michael Martinez.

Sa kasalukuyan, nagbabakasyon si Martinez at mapalad ang Tambayan ng Tsika Tonite, online show ng Abante Tonite na makadaupang palad at makausap ang simpatikong binata.

Bakit nga ba figure skating ang naging field of expertise niya? “When I was younger, I tried playing basketball, swimming pero parang walang future. Ang figure skating ang talagang gustong-gustong ko. Pagtuntong ko sa rink, I loved it right away. Somehow, kahit may asthma ako at malamig, parang walang naging problema. Una, paikot-ikot lang, hanggang sa naka-balance, hanggang tuloy-tuloy na, every week na, tapos nag-compete na.”

May discrimination ba siyang naranasan sa kanyang mga international competition?

“Wala. Mas nagulat sila, I think lalo na nga’t I was the first from the Philippines at alam nilang lahat na walang snow sa atin. I will not deny na proud ako dahil nga it may look impossible but I was able to make it possible.”

Biggest take home sa figure skating? “Siyempre ‘yung disiplina, ‘yung pagiging focused. Yung sport kasi, i-push ka talaga, physically, emotionally and mentally. It pushes a person to become an adult. It makes you focus on what you want to do with your life.”

Pinakamahirap niyang routine sa figure? “‘Yung triple axle spin is one of my favorites.
Kasi it involves three-and-a-half rotations on a very thin blade and you never know what will happen pag-landing mo di mo alam kung babagsak ka.”
Never pa siyang nagka-wardrobe malfunction pero injuries, marami na nga ba? “Marami na talaga, complete tear sa ankles, knees, a fracture here and there.
My biggest injury happened when my thigh was accidentally stabbed my blade. It was just three inches away from the main artery, muntik na pala akong mamatay.
Hindi naman ako natakot, hindi rin ako na-traumatized pero naiilang ako.”
Ngayong nagbabakasyon siya at pinag-aaralan ang mga option na pwede niyang gawin, keri niya bang mag-showbiz?
“Yes, of course. Pero ayoko na try lang. I am the type of person kasi na pag ginawa ko ang isang bagay. Buhos talaga.”