Abante Tonite Interactive

Michael V., adik sa relo!

23

ISA na namang hitik sa katatawanan at puno ng life lesson na episode ang matutunghayan sa award-winning at top-rating family sitcom ng GMA 7 na Pepito Manaloto ngayong Sabado (Sept. 30).

Nagdadalawang-isip si Pepito (Michael V.) kung bibili ba siya ng bagong mamahaling relo, baka masermunan kasi siya ni Elsa (Manilyn Reynes).

Pero mukhang mas maeengganyo siyang bumili dahil kay Melissa (Ashley Rivera), isang sexy online seller.

Ang gusto pa ni Melissa, sa loob ng kuwarto ng isang hotel sila magkikita. Mabuko kaya ni Elsa ang kaduda-dudang transaksyon na papasukin ni Pepito?