Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Michael V nagpapagaling sa bahay

0 400

Dineklara ni Michael V. na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa kanyang pinakabagong vlog,sinalaysay niya ang kanyang mga naranasan nang magkaroon ng mga sintomas hanggang sa malaman na nahawa nga siya sa COVID-19.

Ayon sa komedyante, nakaranas siya ng flu-like symptoms, gaya ng ubo, nung huli niyang vlog.

“Siyempre nag-isolate na kaagad ako, nag-quarantine na kaagad ako. I took medicine, nagpa-check up ako sa doctor online, I got better the following day,” aniya.

Nagkaroon din aniya siya ng “weird na sensation sa may nasal area” at mga sintomas ng COVID-19 gaya ng pagkawala ng sense of smell at taste.

Sa pangwalong araw niya na naga-isolate, natanggap niya ang resulta na COVID-19 positive siya.

“SARS-CoV-2 (causative agent of COVID-19) viral RNA detected, so it’s positive right now. Fever na lang, ‘yung loss of smell nare-regain ko na siya,” lahad niya.

“Alam kong hindi normal yung nawala yung pang-amoy ko and I was counting na may kinalaman talaga yun sa COVID but I was praying na wala but it turns out… tutuloy lang natin mga sinabi sa’tin na kailangan gawin and we’ll get through this, we’ve been through worse. Sobrang nami-miss ko na ‘yung pamilya ko,” aniya pa.

Right now, naka-quarantine pa rin ang komedyante sa isang kuwarto ng kanilang bahay. Doon siya nagpapagaling. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.