Abante Tonite Interactive

Michael V. natulala sa ganda ni Dawn

By
260

Nakaka-2 shooting days na nga sina Michael V. at Dawn Zulueta para sa pelikulang Family History. Si Bitoy ang partner ni Dawn sa movie, at siya rin ang direktor, writer, at isa sa mga prodyuser (GMA Projects at Mic Test Inc. na ang misis niyang si Carol ang namamahala).

Ramdam na ramdam namin ang sobra-sobrang excitement ni Bitoy sa movie na ito, na sabi nga ay magsisimula ng panibagong trend sa paggawa ng pelikula.

Kuwento ng misis ni Bitoy, sa 2 days shooting na naganap, ramdam niya na natutulala ang mister niya sa harap ni Dawn.

Abante Hiring – IT dep

“Nu’ng first shooting day, nakita ko starstruck siya, nagdidirek pero fan, eh. Sabi ko, teka muna hindi mo pinapansin masyado ang script. Day one, understandable naman. Sabi ko, ang layo naman yata ng sinabi doon sa script. So, tinawag ko siya. Secret lang. Hahahaha!” kuwento ni Carol.
“Ako kasi, good take, good take. Hahahahaha!” sabi ni Michael.

“Si Dawn masaya kasama. Collaborative siya,” papuri pa ni Bitoy sa leading lady niya.
“Talagang involved si Dawn sa character niya. We appreciate it lalo na sa ikagaganda ng pelikula,” saad naman ni Carol.

So, paano na-overcome ni Bitoy ang pagka-starstruck niya kay Dawn?

“Ang cute naman nu’ng pagka-starstruck niya. Crush niya ‘yon nu’ng araw. Hahahaha!” chicka pa ng misis ni Bitoy.
“Nahihiya nga ako kasi minsan ako pa ang sumasablay. Minsan parang kailangan ko pagawa ng teleprompter kasi baka makalimutan ko ang mga linya. Ang galing ni Dawn,” sabi naman ni Bitoy.

Anyway, kahit nga nakaka-2 shooting days pa lang sila, sa June na raw ang playdate nila. Bongga, ‘di ba?

Kyline hiniwalayan ni Jeric

Sa Daig Kayo ng Lola ko nga­yong gabi, nakita ni Apollo si Daryl (Jeric Gonzalez) na iniligtas ang isang bata sa sobrang bilis na paraan. At sina Luther naman ay gusto na ring gawing bampira sina Athena (Kyline Alcantara) at Apollo.

Umatake na naman sina Luther sa isang bayan. At siyempre, dumating sina Athena at Apollo para labanan ang mga bampira. Matindi ang naging laban nila kina Luther and Gorgon. At sinundan nga sila ni Daryl. Na-shocked si Daryl nang makita na sina Athena and Apollo are vampire slayers. Pero siyempre, mas pinili niyang tulungan sina Athena and Apollo.

Dahil doon ay hiniwalayan ni Daryl si Athena. At inamin na rin ni Daryl kay Apollo na isa siyang bampira. Na-shock ang lahat.

Mika manggugulo sa ‘I-Bilib’

Makikigulo ang isa sa mga bida sa Kara Mia na si Mika dela Cruz sa I-BILIB ni Chris Tiu, kasama ang Moymoy Palaboy.
At aalamin nila kung puwede ba talagang magluto ng steak at eggs using a car engine? And what can make a piece of wood fire up- wood shavings, metal from a sharpener, flint or graphite from a pencil?

Alamin ang sagot sa Street Genius experiments: Drag car fry up and dragon’s breath!
Can you power 2 paper cups and turn them into mini-race boats? Discover how in the bangka-rera experiment!
Is there such a thing as magic black sand that will fire up when soaked in water?

Be amazed to know the answer in the flaming black sand experiment!

Samahan sina James and Roadfill as they challenge Kapuso Bryan del Rosario, Kim Ordonio, Chin Valdes and Muriel Lomadilla in the bilibabol egg flip challenge!

For huling hirit, Mika shows us a yummy mango food art that’s perfect for summer snacking! Remember, make your Sunday mornings more fun and educational with I-Bilib!

Fil-Brit Fiona Faulkner pararangalan
ni Dingdong

Sa Amazing Earth nga­yong gabi, alamin kung totoo nga bang ang mga mighty sperm whales ay pawala na, sa episode na “Ubusan ng Lahi!” At sa “Mga Natutulog Na Higante,” the above-mentioned leviathans take power naps in between hunting giant squids via echo-location.

At sa Porac, Pampanga, kikilalanin ni Dingdong Dante sang Amazing Earth hero ngayon na si Fil-Brit Fiona Faulkner, environmental officer of Tribes and Treks, a social tourism outing where guests become one with nature, as well as the Aeta community!

Mula sa direksiyon ni Rico Gutierrez, ang “Ama­zing Earth” ay napapanood sa GMA 7 pagkatapos ng “24 Oras Weekend.”