Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Michael V pumiyok ng never mind kay Matteo

0 194

NI: VINIA VIVAR

Pinanood talaga ni Michael V. ang unboxing Playstation 5 video ni Matteo Guidicelli sa YouTube at nag-iwan siya ng intriguing comment sa comments section.

Makikita sa video ni Matteo ang medyo kakaibang pagbubukas niya ng PS5 or masasabi nga naming ‘careless’ dahil winarat-warat niya ang box at halos ibagksak-bagsak niya sa lamesa ang gadget.

Pero may paliwanag naman si Matteo na ‘shock absorbent’ daw ang mesa na made from Cebu nagba-bounce back lang daw at hindi mada-damage ang PS5 kahit ibagsak-bagsak niya ito.

Maging sa comments section ay napakaraming pumuna sa tila walang ingat na paga-unbox ni Matteo gayung ang mahal-mahal pa naman ng PS5.

Isa nga sa nag-react si Bitoy pero mapapa-isip ka kung positive ba or negative ang kanyang komento.

“Umm. . .never mind,” ang comment ni Bitoy.

Umani ng katakot-takot na reaksyon mula sa netizens ang komento ng singer/songwriter/comedian. Karamihan sa mga ito ay natawa at ang iba naman ay nag-assume na kung ano ang ibig sabihin ni Bitoy

“Idol Micheal V. i know what your thinking, i had the same feeling, so sad,” komento ng isang netizen.

“Pakituruan naman kuya bitoy,” pahayag ng isa pa.

Isa pang comment, “Hahaha… Nakakayamot no idol… Mapapa never mind k nlng.

“Pati si idol toybits na speechless na HAHAHA,” another netizen remarked.

Matatandaang last year ay halos ganito rin ang paraan ng ‘unboxing’ ni Matteo ng PS4 kaya nakatikim din siya ng pangba-bash.

May mga nagtanggol namang netizens kay Matteo and some even think na sinadya umano nito ang careless unboxing.

“Naka-get over na ako sa PS4 unboxing niya, he is just teasing now with his PS5,” komento ng isa.

“He’s doing it on purpose. Don’t you get it, guys? He needs your attention,” another one said.

“I didn’t see anything wrong in this video. The way he unboxes, it’s up to him. Lol. Kung masira, kanya naman ‘yun. Hindi naman nakaka-trigger o nakakainis. Bakit ganyan reaction n’yo. Enlighten me, baka sakali,” komento ng isa pa.

“Hahaha. Matteo is just trolling. I got no hate for him, though. That’s his money to begin with. He has the right to do whatever he wants with it. He can even burn the PS5. For all I care, it’s not your loss but his. So stop hating on the guy,” pagtatanggol ng isa pa.

“I love how this video is a slap to those overacting, entitled, butthurt Millennials out there. I mean, I love the PlayStation, and I would totally take care of the things that I love, but let’s leave anybody to do whatever they want with their stuff,” mensahe naman ng isa pang viewer.

Leave A Reply

Your email address will not be published.