Abante Tonite Interactive

Michael V uminit ang ulo sa shooting

603

Ang sipag mag-promote nina Michael V at Dawn Zulueta ng pelikula nilang “Family History” na next week na ang showing sa mga sinehan.

Si Bitoy ay nagpunta pa ng Cagayan de Oro para sa promo at nag-interact siya sa mga estud-yante roon through a master class, tapos ay nag-presscon sila ng wife niyang si Carol Bunagan na co-producer din ng movie.

Hindi lang pala mga kaibigang celebrities na Bitoy ang nangakong magpapa-block screening. Pati mga non-showbiz friends niya ay may pa-block screening din ng directorial debut ng Kapuso comedy genius.

Nag-cinema test sila ng “Family History” at ang sabi sa amin ni Bitoy, ang misis niyang si Ayoi ay hindi pa ready na gumawa ng next project after this pero siya ay ready na base sa napanood niyang finished product.
Nandu’n daw kasi ‘yung high na nakita niya sa screen kung ano ‘yung na-envision niya sa utak niya, so hindi raw mapapantayan ang feeling na ‘yon bilang director-creator.

Satisfied si Bitoy na nagawa niya ang gusto niyang mangyari. At saka fan s­ervice din daw ang project na ito dahil hindi lang ito para sa kanya kundi para sa kanyang captured audience na sumusuporta sa kanya through the years.

Inamin ni Bitoy na uminit ang ulo niya sa shooting nila, pero hindi raw siya na-nigaw ng kahit sino.

Usually ay naiinis siya kapag may set na hindi niya nagustuhan, pero ayaw niya raw ng may kainisan, so after ng diskusyon at naayos na nila ang problema ay niyayakap niya ang nakasagutan niyang production staff.
Ani Bitoy, he wants to tell stories at hindi lahat ng kuwento ay masaya kaya ganu’n ang “Family History”.

Ang description niya rito ay family drama about relationship, pero hindi raw puwedeng walang comedy kaya nandu’n talaga ‘yung tatak-Bitoy.
Naniniwala si Bitoy na meron siyang captured audience pero wish niya na mas marami pa siyang mahatak na manonood ng unang pelikulang dinirek niya.

Ipinakita niya raw dito ang kanyang capabilities bilang isang total entertainer—kung paano siya magsulat, magdirek at umarte.

Aniya, mas madaling gumawa ng mala-“Bubble Gang” na laugh out loud comedy pero as a filmma-ker ay kailangan niyang mag-exert ng effort para makita ng mga tao na pinaghirapan, pinag-isipan at pinag-aralan niya ang ihahain niyang produkto.

Siyempre, gusto rin ni Bitoy na kumita sa takilya ang “Family History” dahil mark din daw ‘yon ng isang successful movie, pero secondary lang sa kanya ‘yung kikitain nito.

Hindi raw para kumita ng limpak-limpak ang objective niya rito kundi para may maiambag siya sa industriya at maging simula na rin ito ng paggawa niya ng mga pelikula na posibleng makipag-collaborate siya with other filmmakers and creative people.

The same creative group pala ng “Pepito Manaloto” ang nasa likod ng “Family History”. After nito ay balak din ni Bitoy na gumawa ng fan service mo­vie para sa mga tagasuporta ng “Bubble Gang” at “Pepito Manaloto”.
Pinuri ng Cinema Evaluation Board ang “Family History” at binigyan ito ng Grade na B.

Sa July 24 ang showing sa mga sinehan nationwide ng BiDawn mo-vie na kasama rin ang BiGuel love team nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Andrea hayok na hayok kay Derek

Ang bongga ni Andrea Torres sa kanyang dual character sa “The Better Woman” dahil nalalaro niya ang role niya lalo na ang pokpokitang si Juliet, na para siyang hayok na hayok kay Derek Ramsay.

Sinupladuhan kasi nito ang exotic pole dancer na si Juliet nu’ng minsang mapadpad ito sa club nila, so nabitin-bitin ang hitad dahil hindi siya pinatos ng karakter ni Derek na si Andrew dahil happily married ito.

Bet namin ang magkaibang atake ni Andrea sa dalawang karakter niya na di-sente at bait-baitan ang wife ni Andrew na si Jasmine habang jologs naman ang pokpokelyang si Juliet.

Ang galing dito ni Andrea, in fairness, lalo na bilang Juliet na may dayalog na, “Ang kilig, parang ihi. Ang hirap pigilan.”

Hindi lang kilig ang nararamdaman ng hitad kay Andrew kundi elyang-elya ito at gusto talagang matikman ang hunky hubby ng kanyang twin sister.

Ito na ang biggest and most challenging role ng 29-anyos na Kapuso actress at kaabang-abang ang magaganap na mainit na lampu-ngan nila ni Derek.
Napapanood ang “The Better Woman” sa GMA Telebabad gabi-gabi pagkatapos ng “Sahaya”.