Abante Tonite Interactive

Michael V walang ‘K’ ipasok si Mystica sa GMA show

By
0 1,800

Kamakailan lang ay nanawagan si Mystica kay Dingdong Dantes matapos manatiling tahimik ang actor-director na si Michael V. sa panawagan niya.

Samantala, ipinahayag na ni Bitoy ang kanyang panig sa pandededma kay Mystica.

Aniya sa Twitter, “As much as gusto kong magpasok ng ibang artista para maging cast ng #BubbleGang & #PepitoManaloto, hanggang suggestion lang po ako.”

Abante Hiring – IT dep

Nilinaw niya na ang GMA Network ang may hawak ng huling desisyon.

Sang-ayon naman ang mga netizen sa pahayag ni Bitoy.

Komento ng mga netizen, “true naman. in the first place, wala naman siyang obligasyon kay mystica at all.
“Pwede ba please spare Bitoy no! Wala namang masamang tinapay dyan. Ni wala ngang intriga na kinasangkutan yan.”
Samantala, may bagong panawagan si Mystica kay Raffy Tulfo para tulungan siya na magsampa ng kaso sa taong pinaglaruan siya sa Facebook.

Ginawang katatawanan umano ang aktres matapos may magpanggap na magbo-book ng hosting para sa kanya sa darating na December 14 kapalit ng P130K na halaga. Walang kaalam-alam ang aktres na habang kausap siya ay naka-FB live ang pag-uusap nila.

Nais ng aktres na magsampa ng kaso sa mga naglaro umano sa kanya.

Pero ‘di kumbinsido si Tulfo kay Mystica at papayag lamang na tulungan siya sa oras na magnegatibo ang drug test na ipapagawa sa kanya.

Pumayag naman ang aktres sa hiling ni Tulfo at agaran siyang dinala sa Camp Crame. Sa ngayon ay ‘di pa ibinubunyag ang resulta ng nasabing drug test.