Abante Tonite Interactive

‘Michael Yang’ babalatan ng Senado

390

Iimbestigahan ng Senado ang posibleng koneksiyon ng ilang tiwaling opisyal ng gobyerno sa sinasabing ‘Michael Yang’ na sangkot sa mga krimen na konektado sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ayon kay Senadora Risa Hontiveros.

“We have to look into the possible links of POGO operations to our government officials,” sabi ni Hontiveros, chair ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, sa isang statement kahapon.

“Hindi pywedeng may mga protektor itong mga iligal na POGO, lalong-lalo na at nagdadala ‘yung operasyon nila ng sankatutak na krimen,” dagdag pa nito.
Ginawa ni Hontiveros ang pahayag isang araw matapos iprisenta sa media ang isang Taiwanese na biktima ng trafficking at ipinaso sa isang POGO company.
Sa isang press conference, ibinunyag ng 23-anyos na si Lai Yu Cian, o Ivy, ang ginawang pag-abuso sa kanya ng Chinese employer.

Sabi ni Lai, ipinasok siya sa POGO company at sinabing ipinagmayabang ng kanyang mga employer na may mga opisyal ng gobyerno na nagbibigay ng proteksiyon sa kanilang operasyon.

“I even tell them all the thing I want is my passport, if you don’t give my salary, it’s okay. But they still keep lying to me… and they always say that there are government people, or a government person to protect their business,” sabi ni Lai.

Narinig umano na isang ‘Michael Yang’ ang nagbibigay ng proteksiyon sa kanyang Chinese employer.

“They mention Michael Yang but I don’t know who [he is] … my boss only says that when he shouts at me,” sambit pa ni Lai.
Tsismis lang!

Samantala, hindi naniniwala ang Malacañang sa ulat na protektor umano si Presidential Adviser on Economic Affairs Michael Yang sa iligal na aktibidad sa POGO.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tsismis lamang ito dahil narinig lamang aniya ng babaeng Taiwanese ang pangalan na Michael Yang na protector umano ng kompan­ya na pag-aari ng isang Chinese.

Kung mayroon aniyang pang-aabuso ang mga POGO sa kanilang mga empleyado, hinimok ni Panelo ang mga ito na maghain ng reklamo sa mga awtoridad.
“Eh tsismis lang naman ‘yan. They should file a complaint. Hindi naman puwedeng padaanin ‘yan sa media. If there is a victim, then she should help in giving that victim justice,” ani Panelo.

P50B utang sa buwis

Kaugnay naman sa ulat na nasa P50 bilyon umano ang hindi binabayarang buwis ng mga POGO, sinabi ni Panelo na hindi sila palulusutin ng gobyerno at hahabulin ang mga ito gaya ng ginawa sa Philippine Airlines at mga may-ari ng Mighty Cigarette na nagbayad ng bilyon-bil­yong piso. (DM/AT/PG/EP/JCC)