Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Michele ayaw pasukuin ni Pia

0 307

NI: ARCHIE LIAO

Nagbigay ng advice ang 2015 Ms.Universe na si Pia Wurtzhbach sa mga talunan sa pageant tulad nina Michele Gumabao (2nd runner up, 2000 MUP) at Sandra Lemonon (Ms.Taguig).

Bago kasi siya nakoronahan bilang pinakamagandang babae sa buong mundo, maraming beses din siyang umuwing luhaan sa pagsali sa beauty pageants.

“Real talk, sa ’kin when it comes to losing. Advice lagi … stay positive,”aniya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa simula, okey lang daw ang ma-depress pero dapat isiping ang nagwawagi ay hindi kailanman sumusuko.

“It’s okay to feel bad, it’s okay to be sad, it’s okay to be angry, it’s okay to cry,” paliwanag niya.
“Kung kailangan lumayo sa pageants for a few days, for a few weeks, or even months, gets na gets ko … parang may nakipag-break sa ‘yo. Magpahinga ka muna. Isipin ko ano
next step ko. Continue pa ba ako?” dugtong niya.

Hirit pa niya, importanteng may natutunan tayo sa bawat pagkatalo dahil tumatatag ang ating pagkatao.

Speaking of Pia, binati na niya si Rabiya Mateo sa kanyang pagkapanalo bilang Ms.Universe Philippines 2020 . Tinawag din niyang bunso sa kanilang sisterhood nina Catriona Gray.

Leave A Reply

Your email address will not be published.