Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Michele ‘di inisnab si Rabiya

0 183

NI: VINIA VIVAR

Hindi naman pala iniwasan ni Michele Gumabao si Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo nang hindi siya sumipot sa guesting niya sa ASAP Natin ‘To last Nov. 22.

All top 5 of MUPH were invited to grace the show at dumating naman ang apat na sina Rabiya, Bella Ysmael, Pauline Amelinckx, and Billie Hakenson pero bukod-tanging ang 2nd runner-up na si Michele ang wala.

Ang tsismis tuloy, iniwasan marahil ni Michele si Rabiya. As we all know ay nagkaroon ng isyu ang MUPH after the grand coronation at parehong na-involve ang dalawa sa controversy along with other candidate, Sandra Lemonon.

Pero after a few days ay nagpaliwanag si Michelle kung bakit hindi siya nakasipot sa naturang Sunday show. Ayon sa kanyang Instagram post, para na rin sa kaligtasan ng lahat, minabuti ng kanyang handler at ng show mismo na huwag na siyang papuntahin since prior to that ay kung saan-saan siya nagpupunta for relief operations.

“A lot of people have been questioning my motives for coming up here just because I missed a guesting of the MUPH queens on tv! Our goods were scheduled to be brought to Isabela and distributed by volunteers just because may scheduled guesting ako on Sunday.

“Due to multiple relief operations Kahit negative ako sa swab, my handler and the show decided for the safety of everyone hindi ako kasama because of the exposure from my relief operations.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I decided to go to Isabela with our team to personally distribute the goods instead,” paliwanag niya.

Okay lang naman daw na i-bash siya pero sana raw ay huwag nang idamay ang organisasyon.

“Sanay na ako sa mga issues on social media and I said before Basta ako Lang Ibash niyo okay Lang. But when it involves our organization I have to clear this up because

“So many people trusted and donated their hard earned money for the victims of typhoon Ulysses and I will personally see our operations through!

“I will not allow your drama to taint this initiative and all the people who worked hard to make this happen. If you have any questions with attendance you can ask those who invite us on their programs,” she stated.

Sa huli ay nag-invite na lang siya sa kanyang followers na panoorin na lang siya sa Wowowin.

“And kung gusto niyo ako makita sumayaw sa tv manuod Kasi kayo ng wowowin every Friday, Baka kumanta pa ako dun!” pagtatapos ng beauty queen.

Leave A Reply

Your email address will not be published.