Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Michele ‘di natuto kay Pia

0 186

Competitive sport naman ang volleyball. Bilog ang bola at hindi ka laging mananalo kaya ang kahit pa nga nagkapasa-pasa at nagkasugat ka, sport ka pa rin, lalo na kung alam mong you put up a good fight, kung sakaling uuwi ka at buong team mo na talunan.

Kaya nga ang volleyball belle turned beauty queen na si Michele Gumabao, kataka-taka at tunay na nakakahibang ang tsismis na di pagtanggap umano sa kanyang 2nd runner up placement sa katatapos lang na Ms. Universe Philippines.

Luhaan na maiuwi ang korona sa Miss Globe, tapos hindi pinalad na maging Miss Universe Philippines,malaking kahihiyan ba yun?

Bakit kailangang magpait-paitan at humabi ng mga kwentong pinapalagan ng mga nagpatakbo sa timpalak kagandahan? Wala bang natutuhan ang kampo ni Gumabao sa kasaysayan at karanasan ni Pia Wurtzbach bago ito pinalad at hinirang na Ms. Universe, eh not once but thrice na lumaban sa Binibining Pilipinas bago nagkakatotoo ang kanyang destiny.

At kung sasaliksikin natin ang mga dokumento sa mga kabiguan ni Pia, parang wala namang nailathalang mas mapait pa siya kesa sa ampalaya at maasim pa kesa lemon sa tuwing siya ay nagiging better luck next time at thank you girl.

Saan nanggaling ang entitlement ng kampo ni Gumabao na para bang ninakaw sa kanya ang pagkakataong magiging kauna-unahang Ms. Universe Philippines na hindi na si Stella Marquez- Araneta ang namumuno?

Porke siya ay second runner up, feeling entitled na mas deserving siya dun sa winner? Dahil maraming bumilog sa ulo niya at binubulungan na siya ang pinakamaganda sa buong sansinukob, dinaya siya at ang mga judges, hindi makatarungang ang paghuhusga?
Dahil may kasunod na masigabong palakpakan sa tuwing siya ay kumukuda, mas may gravitas at wit ang sagot niya sa a Q and A?

Sa true lang tayo palagi, ka-cheapan at kadiri ang mga kontenserang hindi matanggap na talunan sila. So unbecoming of being called a “beauty queen.”

DIGNIDAD AT KAHIHIYAN, please.

 

Miko, Aki palaban sa lampungan

Nagkakagulo ang mga bakla mahilig sa Pinoy BL dramas sa mga kaganapang nangyayari sa “My Extra Ordinary” at sa “My Day.”

Sa BL fare na pinagbibidihan nina Enzo Santiago at Darwin Yu na binibigyang buahy sina Ken at Shake,sa kanilang weekend get-away sa episode 5, sweet-sweetan at virginal ang mga kaganapan.

May habulan, piggy back ride, pagsakay sa bike, baby kisses exchange, huma-honeymooners na sina Shake at Ken sa ilalim ng puting linen kumot.

Kaso grabehan ang babang bubog si Karissa Toliongco, ang Maui Taylor look alike bilang si Sandee. Ayaw paawat ang pagiging insekyura at sumbungera. Ang sarap buhukan!

Ang mas lalong malala, ang nanay ni Ken, si Mamang Monica, na binibigyang buhay ni Yayo Aguila .Parang maraming alam sa galawang kabadingan kaya isang sipat pa lang sa larawan ng kanyang anak na lalaki na may kasamang nakahiga sa damuhan, ballistic na agad ang imahinasyon at talak!

Sa “My Day” naman, juice colored! Palaban na palaban sina Miko Gallardo (Sky)at Aki Torres (Ace) sa unang bahagi ng episode 11.

Pangalawang beses na kasi ang kanilang sexual congress kaya mas marudob ang laplapan, may eskrimahan ang mga dila, sipsipan at himuran ng mga utong, pagtali sa braso at final bottoming at concluding act ay may pagdila pa si Gallardo sa tenga ni Torres, huh!

Kung panalo sila sa sex scene, kamusta naman ang pag-arte sa drama moments! Ay! Juice colored! Parang aral sila sa Machete School of Wooden Acting na alam na alam niyo na kung sino ang dean, my dear Tonite readers. Take a bow, Aljur Abrenica. Ang savage! Charot! (may nakita naman akong potensyal kay Miko. Nagso-shoot nga siya ngayon sa Star Cinema movie. –ED)

Leave A Reply

Your email address will not be published.