Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Michele maangas sa Cool Smashers

0 34

PINATUNAYAN ng Creamline Cool Smashers ang pagiging defending champions nang talunin sa four sets ang Sta. Lucia Lady Realtors 25-18, 25-21, 25-27, 25-18 sa second game ng opening day kagabi sa 2021 PVL Open Conference sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Pinangunahan ni Michele Gumabao ang opensiba ng Creamline matapos pumalo ng 48 spike attempts para sa game-high 24 points habang umagapay si phenom Alyssa Valdez ng 20 markers.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinubukan pang lumaban ng Sta. Lucia Lady Realtors matapos bumawi sa ikatlong set 27-25 ngunit pagsapit ng fourth frame ay tinuluyan na ito ng Creamline.

Bigo ring makuha ni Mar-Jana Phillips ng Lady Realtors ang unang panalo nang mabitin ang binirang 20 points. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.