Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Michele maangas sa Miss Universe PH

0 108

NI: NONIE NICASIO

Matinding panggulat sa mga barako ang angking kaseksihan ni Michele Gumabao.

Ito ang mabibistahan sa kanyang Instagram post. Makatulo-laway si Michelle sa suot niyang sexy white swimwuit. Sadyang pasabog ang alindog na kanyang ipinasilip dito.

Ibang klase ang rehistro niya sa opposite sex. Umaapaw kasi ang kariktan ng dalaga. Mula sa kanyang sexy legs, hanggang sa mayamang dibdib, katawang mala-Coca Cola, at patok na beauty, stand-out si Michelle.

Siya ay kapatid ni Marco Gumabao at anak ng former actor/politician na si Dennis Roldan. Si Michelle ay dating volleyball star player, TV personality, at beauty queen. Siya ay itinanghal na Binibining Pilipinas Globe 2018.

Si Michele ay sasabak din sa darating na Miss Universe Philippines 2020 sa October 25. Maangas ang kanyang dating.

Nakalulula ang kurbada ng flawless na katawan ni Michelle sa kanyang IG post. Sadyang katakam-takam ang kanyang porma rito.

Luluwa ang mata ng sinumang boys na makakakita sa kanyang kariktan. Sa kanyang umaapaw na sex appeal, hindi kataka-takang maging laman siya ng pantasya ng maraming barako.

Leave A Reply

Your email address will not be published.