Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Michele sabik sa beach

0 305

Sa beach at pool ngayon ini-enjoy ni volleybelle Michele Gumabao ang bakasyon nang mag-moment ito sa isang resort sa Dasol, Pangasinan.

Sa Instagram story ng 27-anyos dalaga ay chillax lang ito at sinamantala ang magandang view ng resort kung saan dagdag-ganda rin ang tanawin sa outfit nitong beach long dress.

Silbing theraphy naman ito at sinulit ni `beauty queen’ Michele dahil busy rin ito sa pagsasagawa ng fund raising program, online team training at hosting.

Sa ngayon ay hindi pa nakakabalik sa team training si Creamline Cool Smasher star dahil wala pa silang nahihinging abiso sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.