Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Michele pamilya ang sandigan

0 93

SUPORTA mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan ang naging sandigan ni Creamline Cool Smasher star Michele Gumabao lalo na ngayong may pandemya dulot ng coronavirus disease.

Sa naging panayam nito sa radio program na “All Out”, nagbigay ng isang mensahe ang sikat na volleybelle upang manatiling matatag habang may global health pandemic.

“I know that everybody is going through something personally throughout this pandemic. And I just want to remind everybody that your problems, or what you’re going through, it’s all valid. Your feelings are valid,” bahagi ng Miss Universe Philippines 2020 candidate na irerepresenta ang Quezon City.

Para umano sa kanya, epektib ang pagtulong at suporta na kanyang natatanggap mula kanyang pamilya at mga kaibigan lalo na sa panahon ngayon.

“If you are at a point where you don’t know what to do and you don’t know where to go, or you don’t know who to turn to… Of course God is always there but you also need your friends, you also need your family,” paliwanag ng 28-year-old veteran opposite spiker. (JAT)

Leave A Reply

Your email address will not be published.