Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Michele tumikim ng ibang ‘putahe’

0 51

SUMUSUBOK ng ibang mga bagay si Creamline Cool Smashers spiker at beauty titlist Michele Gumabao habang wala pang paluan sa Premier Volleyball League (PVL) dahil sa coronavirus pandemic.

Bagong ‘putahe’ o iba namang larangan ng sports ang pinagkakaabalahan ng magandang balibolista nang subukan nito ang mundo ng golf.

Makikita sa Instagram story ng volleyball star-beauty queen na nasa isang golf course ito at pokus sa paghampas ng golf ball.

“2021 learn something new,” caption ng Creamline Cool Smasher star sa nasabing IG story.

Sa ngayon kasi ay hindi pa nakakapag-volleyball ang former DLSU Lady Spiker dahil mahigpit pang ipinagbabawal ang marami sa mga sporting event dulot pa rin ng pandemya. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.