Abante Tonite Interactive

Michelle Dee may misyon sa London

0 158

Ang dalaga nina Melanie Marquez at Derek Dee na si Michelle ang kinatawan ng Pilipinas sa darating na 2019 Miss World Pageant. Nakatakdang ganapin ito sa London sa December 14. Pero lilipad na siya sa November 19.

Sakaling manalo si Michelle, sila ng kanyang inang si Melanie ang magiging kauna-unahang mother and daughter beauty queen na merong international beauty title.

Si Melanie ay nanalong Miss International (in Tokyo, Japan) nu’ng 1979.

Bukod sa kanyang inang si Melanie, ang pinsan ni Michelle na si Winwyn Marquez ay isa ring international crown holder being the very first Filipina na nakapag-uwi ng Reina Hispanico Americana title two years ago.

Ang panalo ng kanyang ina at pinsan ang babauning inspirasyon ni Michelle sa kanyang laban sa London. (Aster Amoyo)