Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Michele game kahit saane game kahit saan

0 274

Volleyball player at model na, trabahador pa!

Iyanang peg ngayon ni beauty queen at Premier Volleyball League (PVL) star Michele Theresa Gumabao.

Jack of all trades o kahit ano maari sa byuting dalaga ni Dennis Roldan at Creamline Cool Smashers opposite hitter nang maispatang naglalagay ng grout sa tiles ng kanyang bahay.

Sa Instagram story ng boyfriend niyang si Aldo Panlilio, makikitang nagmistulang karpintera ang 27-taon, 5-10 ang taas na beteranang balibolista nang kumpunihin ang tiles sa bahay.

“Bakit pa kukuha ng trabahador,” caption ng anak ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Alfredo Panlilio.

Bagama’t trabahong panlalaki, enjoy naman sa kanyang pagiging all around si Gumabao. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.