Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Michelle lalaban pa rin sa Miss U; dinaga kay Celeste

0 193

NI: ARCHIE LIAO

Malaki ang paghanga ni Michelle Dee sa kinoronahang Miss Universe Philippines 2022 na si Celeste Cortesi.

Sa kanyang Instagram, sinabi niya na deserving manalo ng titulo ang nasabing beauty queen from Pasay.

Ayon pa sa kanya, dinaga raw talaga siya nang sila na lang dalawa ni Celeste ang naiwan sa entablado para pagpilian para sa much-coveted title.

“This moment was probably one of the most intense in my life (so far) but at the end of it all, [I’m] filled with nothing but gratitude for the love, lessons and endless support I’ve received,” ani Michelle “No effort will go unnoticed and I promise to come out stronger,”dugtong niya.

Nagbigay rin siya ng pahiwatig na hindi pa roon natatapos ang kanyang pangarap na masungkit ang korona bilang pinakamagandang babae sa Pilipinas at sa buong universe.

“Mahal ko kayo and who knows this might not be the last,” pagtatapos niya na may hashtag

na #deepataposanglaban.

Kumbaga, kung sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray nga ay ilang beses naging kontesera bago nakamit ang korona, maiiba pa ba ang drama niya?

Si Michelle ang tinanghal na Ms.Philippines Tourism 2022.

Leave A Reply

Your email address will not be published.