Abante Tonite Interactive

Michelle nagpursigi para sumeksi

264

Walang dudang isa sa pinaka-hot momma na nakabase sa abroad ngayon ay si Michelle Madrigal na dating Kapuso star.

Kinaiinggitan ngayon sa social media ang aktres sa taglay nitong kaseksihan na hindi papakabog sa kahit na sinong mga Kana o mix-races gym-fit na mga babae.

Sa loob lang ng higit sa isang taon, matapos ma-nganak ay naibalik na ni Michelle ang kanyang pigura noong dalaga pa siya.

Kung tutuusin, mas maangas ngayon ang kanyang katawan dahil well-defined ang mga muscles niya.

Goal-seeker si Michelle kaya hindi dapat pagtakhan ang malaking pagbabago sa kanyang figure.

Ilang buwan matapos siyang manganak, nagsimula na itong mag-workout sa tulong at motivation ng kanyang American husband.

May mga post si Michelle na iniiyakan niya ang hirap na pinagdaraanan sa workout, pero hindi siya nagpaapi sa negative thoughts.

Mas lalo pa siyang nagpursige na isulong pa ang kanyang pangarap na maibalik ang kanyang alindog. At hindi siya nabigo dahil panalo nang bonggang-bongga ang kanyang pigura.

Kung narito sa ‘Pinas si Michelle at kaliwa’t kanan ang kanyang acting pro-jects, malabo niyang ma-achieve kung anumang physique meron siya ngayon.

Mas nababalanse niya ang oras sa pagwu-workout, pag-aalaga ng kanyang only daughter at pagiging misis ng kanyang husband.

Kumpara sa kapatid niyang si Ehra, mas napanatili ni Michelle ang kanyang kaseksihan at sex appeal. (Rey Pumaloy)