Abante Tonite Interactive

Michelle nakakagigil ang puwet

667

Umulan lang nang ilang araw, nagkalat na ang mga puwet sa social media.

Kung dati’y itinatago ng mga kababaihan ang mga puwet, lalo na ng mga Pinay, ngayon naman ay patalbugan kung sino ang mas may matambok, malaki at mala-kalabaw sa hubog ang puwet.

Kung ito ang labanan sa kate-goryang ito, hindi pahuhuli ang mga sexy mom na gaya ni Michelle Madrigal.

Mula nang ma-achieve nito ang ninanais na sexy figure matapos ang halos dalawang taong pagsusunog ng taba sa gym, sa Amerika, hindi na naawat pa ang dating Kapuso actress sa paghahasik ng kanyang kaseksihan sa Instagram.

Lumalaban sa paangasan ng butt si Michelle na kahit sino ay mapapa-“wow” sa laki at tambok ng back bumper nito.

Hindi pahuhuli sa tinatawag na ‘nanay look’ ang morena beauty dahil hunky at yummy rin naman ang kanyang asawa.

Nakakagigil ang ka-seksihan ni Michelle. Parang nag-iimbita ng pisil, lamutak, tampal sa kanyang puwet.

Gaya nang lagi naming sinasabi, kung nais ni Michelle na ngayon mag-comeback sa acting dito sa ‘Pinas, malalampaso niya ang younger stars na sexy rin ang image.

Paano, mas mukha pang bata, sariwa at sexy si Michelle sa mga kabataang naniniwalang kaya na nilang mang-akit ng mga kalalakihan.

Remember, dating FHM cover at pin-up girl si Michelle noong active pa siya sa showbiz. At isa siya sa mga frontliner celebrities na tinitingala ng mga male audience. (Rey Pumaloy)