Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Michelle payanig ang alindog

0 504

NI: NONIE NICASIO

Sagana sa sex appeal si Michelle Dee, mabibistahan ito sa kanyang Instagram post.

Sa suot niyang sexy swimsuit ng isang clothing line, sadyang umaapaw ang alindog ng anak nina Melanie Marquez at Derek Dee.

Si Michelle ang tipo ng babaeng kayang-kayang painitin ang mundo ng mga barako. Bukod sa maganda at flawless ang complexion, sadyang kabogera ang tindig ng dalaga.

Related Posts

Itinanghal siyang Miss World Philippines noong 2019. Ang 24 year old na dalaga ay graduate ng BS Psychology sa De La Salle University.

Isang certified hottie ang actress-beauty queen, kaya maraming lalaki ang pagpapawisan nang malapot kapag nasilip ang kanyang taglay na kariktan.

Ang kakaibang alindog ni Michelle ay pampayanig. Pampabilis din ng tibok ng puso ng mga lalaking type na type ang mga hot babe. Maraming boylet na tigasin ang nagpapantasya sa mga babaeng tulad niya.

Kakaiba ang lakas ng hatak ni Michelle sa opposite sex. Ang kagandahang taglay niya ay tunay na pampabuhay ng dugo ng sinomang lahi ni Adan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.